ang liwanag sa gabi
dugo'y pilit na pinaliliksi
matang lundo sa pagkakadilat
tengang bingi sa huni ng kuliglig
ang oras ko'y umiikot ng pakaliwa
ang sinag ng buwan sa aking katawan
mapanglaw na sikat ng araw
heto ako, sumasabay sa oras ng kabilang dako