ako'y naiistress pag dumarating ang araw na yun. Hindi ko alam kung tinatamad ako o pagod lang talaga, pero balisa ang buo kong katawan pati na rin isipan. Sa totoo lang hindi ako alipin ng teknolohiya lalo na ng selpown, hindi ako mahilig mag tekst hindi rin ako mahilig tumawag, hindi ako mahilig mag reply sa mga tekst at hindi ko sinasagot ang tawag ng hindi ko kilalalang numero.
Siya lang naman lagi kong ka tekst.
P.S. : bkit ko nga naisulat ito? may 13. Ah, oo dumating ako sa punto na wala ng bugso ng damdamin akong nararamdaman. Yun bang prutas na hinog sa pilit. Ako kasi yung tipong isang tanong isang sagot. Hindi ako yung kusang nagbibigay ng impormasyon, hindi ako madaldal, hindi ako papansin. Pero wag sanang isipin na wala akong paki-alam, hindi lang talaga ako basta nagkukwento ng bagay-bagay, ayokong antukin ka sa kwento ng buhay ko. Magtanong ka kasi kung ano gusto mo malaman. Eh papaano kung kwentuhan kita ng tungkol sa tae ng kalabaw na nilalaro namin nung bata kami. gusto mo ba ng mga ganong kwento? Owkamon...
Eto yung pakiramdam na pilit yung tekst na pilit. lahat pilit. Eto yung panahong nagdadalawang isip ako. May hinahanap ako. Yung palaban. Yung sumasagot. Yung nagtatanong. Yung naghahanap. Ayoko nung nag da Drama, hindi ako naapektuhan ng 'reverse psychology'. Sutil ako. SUTIL. Wag mong ipapahalatang iniinis mo ako, hindi ako maiinis, baka ikaw pa. Wag mo akong da dramahan, teflon balat ko.
Pero wala na ito, lumipas na. Tila na ang ulan. Nakaraos na kami ng 24 na buwan.