Tuesday, September 6

Kaabang-abang

Dear Santaklaws,

Si Maja na lang po sana i-regalo niyo sa akin, para mailayo ko siya kay Coco at Matteo.

Oo nga po pala, inaabangan ko ang sasabihin ng palasyo. Kung paano nila sasabihin na mali ang mga ipinahayag ng embahada ng Amerika na ikinakalat ng wikilieaks tungkol sa "diffident and unassertive" na si Noynoy pero tama na kasangkot sa smuggling si Mike Arroyo.

Paano rin po kaya nila babawiin ang sinabi nila na ang dating Ambassador na si Kristie Kenney ay na co-opt ng MalacaƱang gayung malinaw na meron din naman pala silang cable tungkol sa malawakang pangungurakot na pinangunahan ng dating unang ginoo.

P.S.
Paano po kaya na-e-enjoy ni Mike Arroyo ang pinaghirapang niyang kulimbating yaman, gayong mahina naman ang kaniyang katawan? O nagpapanggap lang po siyang mahina?

Eto po pala reaksiyon ni Noynoy, lubhang hindi talaga siya nagiisip ano?


"US should improve Intel"


Sa tingin po pala ni Noynoy eh malalim na intel at pag e-ispiya ang ginugol ng nasabing embahada para lang maidikit sa katauhan niya ang nasabing diskripsiyon. Tsk.