Dear Santaklaws,
Paano po si Senator Ping, napaka naughty niya (eto po santaklaws ang babasahin) -- he does not deserve any gift from you. Siguro po ampalaya diet siya habang nagtatago noong nakalipas na taon. Nasabi ko po ito kasi walang tigil ang pagkalkal niya sa mga nakalipas na anomalya.
Hindi naman po sa hindi ito dapat halukayin. Sana po, mag file na lang sila ng mga kaso sa korte, kesa naman po sayangin ang oras ng senado para sa mga ito.
Dear Santa, pag lang po may natanggap na regalo si Senator Ping, at wala akong natanggap... I will cry.