Wednesday, August 31

unfair

Myx v. MTv

Isa marahil ito sa magandang halimbawa ng pagiging unfair. Dito sa amin na kung saan, sky-cable ang pangunahing "cable provider," walang MTv. Wala akong basehan pero sasabihin ko pa rin na malamang taktika eto ng kompaniyang pagmamay-ari ng mga Lopez na siya rin namang may-ari ng MYX.

Masaya ako para sa MYX, gawang pinoy at programang pang-pinoy.  Pero ang tangkilikin ito dahil walang MTv or Channel [V], ay halimbawa ng monopolisasyon o unfair competition. Magaling ang Myx, hindi na nito kailangan pang sukulin ng mga Lopez ang kakompitensiya.

Bigyan niyo kami ng pagpipilian!

Nasabi ko ang mga bagay na ito dahil hindi ko napanood ang pagtatanghal ni Adele sa ginanap na VMA 2011. Nakalulungkot :(