Ang mga Pilipino, masunurin sa batas lalo na kung mahigpit itong naipapatupad. Halimbawa na lamang ay ang mga disiplinadong pagmamaneho sa loob ng SBMA at Ayala Makati. Alam kasi nila na mahuhuli sila at mapapatawan ng kung ano mang kaparusahan. Ang rule ay sumunod, ang exception ay manuhol sa mga nasabing lugar. Pero sa labas ng saklaw ng mga nasabing lugar, ang mga Pilipino ay malikhain sa nakakarimarim na paraan -- magpapalusot, gagawin ang bawal dahil alam na walang manghuhuli. Halimbawa ang pagtawid sa mga nakamamatay na kakalsadahan, ang pagtatapon sa kungsaan saan, ang panunuhol sa mga opisyales ng pamahalaan, atbp.
Mahihinuha sa ugaling ito ng nakararaming Pinoy na isinasaalang-alang lang natin ang mga batas at patakaran kung ito ay mahigpit na naisasakatuparan. Datapwat maraming batas at panununtunan, walang paki-alam ang nakararami dahil hindi naman sila mapaparusahan. Sa madaling salita, tuloy lang ang mga baluktot na gawain hanggat walang nanghuhuli (praktikal? o convinient?).
Ang U.S. ay hindi Pilipinas. Hindi dahil maraming Pinoy sa lugar o syudad niyo ay aakalain mong pwede mo nang gawin ang ginagawa mo sa Pilipinas. Kahit maraming Pinoy sa L.A. hindi ibig sabihin nito ay pwede mong gawin ang mga kabalintunaang nakagawian na dito sa ating bansa.
Ang punto ng sulating ito ay ang nangyari sa klinika ng pamosong mag-asawang Calayan na kung saan nahuli sa isang sting operation ang isa nilang tauhan na ginagampanan ang papel ng isang doktor bagamat walang lisensiyang maipakita ng otorisasyon. Tsk, kung dito sa Pilipinas, makakalusot ka, sa Amerika, hindi.
Belo - 1 ; Calayan - 0
