Thursday, May 26

chedeng

bagyong nagbabadiya
ulap na madilim
hanging tumatangay
sa lupaing puno ng rimarim

oo nga at ika'y lilipas
ngunit mag-i-iwan naman ng bakas
ng pighati sa mga pulubing
bahay ay nayupi

ng luha sa mga magsasakang
pinagkaitan ng ani
at sa sinepod na dahon
tinumbang pulumpon

chedeng- "bagyong alembong ng kiring kalangitan"