| shooting buddy ni Pnoy |
Siya si Virginia Torres, ang kasalukuyang namumuno sa LTO. Bago niya pamunuan ang nasabing kagawaran, siya ang nakatataas ng tagapamahala ng nasabing kagawaran sa probinsiya ng Tarlac. Walang mga nauulat na katangi-tanging galing si Virgie maliban sa kasama siya ng Pangulong NoyNoy sa pag eensayo ng "target shooting."
Ang uri ni Virgie ay maiihalintulad kay Usec Puno na nailuklok sa mataas na katungkulan bagamat salat sa karunungan o "expertise" sa kanilang nasabing puwesto. Pareho rin ang dalawa na nasasangkot sa mga hindi magandang balita. At hindi naman sila masasangkot sa ganoong klase ng balita kung sila ay mga "competent" na opisyales.
Naisulat ko ang tungkol dito sapagkat nabasa ko sa balita ang plano ng nasabing si Virgie na ibalik sa prosesong papel ang "automation" na naipatupad ng ng kanyanyang kagawaran. Sa kung ano mang kadahilanan, iyan ang kadudaduda. Sinong tao na nakalilirip ng maunlad at progresibong hinaharap ang mag aambisyong bumalik sa makaluma at mabagal na proseso ng mga aplikasyon. Sa ngayon panahon ng mabibilis na pakikipagtalastasan at malawakang pag papatupad ng mga aplikasyon, tila gusto ng nasabing pinuno na bumalik sa panohon ni mahoma. Ako ay isang propesyonal sa larangan ng IT. Kaya hindi ko lubos maisip kung anong klase o kung paano mag proseso etong si Virgie ng mga bagay-bagay. Nakasusuklam na ang isang gaya niya ang nagpapatakbo sa isang ahensiya na nangangailangan ng masigabong pagtugon sa mga hamon ng pangangailangan ng mga Pilipino at kung paano mabilis at maayos na mapagsisilbihan sila ng gobyerno.
Kung mayroong hindi kanaisnais sa kasalukuyang "service provider" o sa mismong "system flow" ang solusyon ay hindi pagbalik sa makaluma at mabagal na pagproseso ng mga papeles. Ang solusyon ay i-isolate ang system error, at planuhin mas maging "efficient" ang programa.
Ngunit hindi naman eto ang nauulat na problema. Kung meron lang koneksiyon ang maanomalyang transaksiyon niya noong kasalukuyang nasa Tarlac pa siya at sa plano niyang pagbalik sa prosesong-papel, magiging matagumpay ang kaniyang plano. Kawawa na naman ang mga Pilipino. At higit sa lahat, tayo lang yata sa kasaysayan ang paatras ang mga ipinapatupad na pagbabago. Kaya hindi ito masasabing pagbabago kundi pagbalik sa makaluma at "inefficient" na sistema.
Kaya napaisip tuloy ako, Boba ba si Virgie?