tuwing naiisip kita at naalala
o sumasagi sa aking diwa ang yung mukha
ako'y nangigiti, hindi ngiting pang sira ulo
hindi rin naman ngiting aso
ngiti na --- alam mong may saya
tila ba mona lisa, ngunit anong lihim
kaya sa ibinubungingis ang
tayo lang dalawa ang nakatatalima?
tunog ng WALIS TINGTING sa tuyong DAHON
sementadong bakuran, mataas na pader
makitid na palikuran sa labas ng bahay
tuyong dahong nagkalat sa paligid
tinipon ang tuyong dahon, winalis ng nakapalumpon
mabilis na takbo ng oras, ng buhay
hindi na maistorbo upang mapakinggan
ang tunog ng tingting sa tuyong dahon
ang huni ng ibon, ang kaluskos ng pusa
bakit nga ba abala, para saan, kanino, hanggang kailan
kaibigan ikaw ay huminto, paligid ay masdan
mga tunog ay pakinggan, amuyin ang kapaligaran
buhay ay maikli, mahalin, at pangalagaan.