lumilipad na isip
mapagpanggap na titig
nagtratrabaho kunwari
ala-alang kumikiliti
sayaw sa saliw ng awit
ng paligid na marikit
gunita mong lumulunod
sa'king bawat saglit
=====================
sa kasagsagan ng ulan
ala-ala mo'y dumaan
mata'y nagliwanag
ngiti ang bumungad
adik na ngang masasabi
oras-oras kung humabi
ng masasayang ala-ala
nagbibigay sakin ng sigla