Friday, August 4

gitara't kundiman

gusto kitang tugtugan ng gitara
ngunit kamay ko sa kwerdas ay palya
gusto kitang awitan ng kundiman
ngunit ang boses ko'y di kainaman

maghahabi na lang ako ng salita
bibigkasin ng makata
sapagkat ang mga nagawang talata
ay puno ng pag-ibig at panata

GoodnitesweetDreams

sapat ng isipin ka
kakaibang ligayang dala
malayo mat di nagkikita
damdamiy tapat sa pagsinta

nawa'y mahimbing kang natutulog
nananaginip sa pag-irog
akoy tutulog na rin
panibagong bukas nama'y susuungin