Kanikanina lang nung pauwi na ako at habang nakasakay sa bus, nakasalang sa dibidi player ang pelikula ni Eddie Garcia. Nakaka-aliw lang isipin na noong mga panahong iyon (90s) eh hitik ang pelikulang Pilipino sa mga nagbabagang aksiyon, suntukan, at pasabog.
Naalala ko ang mga kontrabidang sina Rez Cortes at Paquito Diaz. Tama, sila ang mga hari ng mga kontrabida, balbas at bigote pa lang asbag na.
Ngayon, puro love story ang mainstream na palabas na mga pelikulang pinoy, ni walang mga ST films. Kaya wala ng kontrabidang astig. Ang meron, artistang laging malas dahil namamatay. Or artistang laging iniiwan ng kasintahan. Sa aking sapantaha, si Selina na ata pinaka-masamang karakter ang umuukilkil sa henerasyong ito. At saka si Crabbe, Goyle, at Draco. Hahaha...
