Thursday, December 20

karma kamilyon


hmmm... si KARMA minsan kaibigan, minsan kaaway.


Ang sabi ang mga salbahe o naghahangad ng masama at mga hali-mamaw na masasama ay naka-karma. Yung tipong un-expectedly may mangyayring hindi maganda, ayun nakarama ang ibubulalas ng iba. Ano ba si karma? Active Entity ba ito, na tipong BIG BROTHER na sumusubaybay sa mga kilos natin, at kapag gumawa tayo ng masama ay... kabloog... pow... wham... kablam... ang kahihinatnan ng nasabing naghahalimaw na tao. Active entity ba ito na masasagap niya ang plinaplano mo? Papano kung iniisip mo pa lang pero masama na, 'mala inse' o criminal intent kumbaga, sisingilin ka na ba ni Karma.

Ang punto ko, pano kung nalaman mo na binulaga na pala ni KARMA yung taong matagal mo nang minimithing KARMA-hin, matutuwa ka ba? Ipapakita mo bang masaya ka? O pipigilan mo sarili mo kasi baka makita ka ni KARMA at ikaw naman ang biglang pagbalingan ng kakaiba niyang powers?