Parang piyesta na naman sa amin. Tipikal na piyesta, may perya, ferris wheel, horror train, bingo, beto-beto, color game, atbpa. Sa gilid naman may mga popcorn, cotton candy, shawarma, at isaw. Sayang, kagabi kasi habang nag iikot kami ang gusto kong bilihin calamares, kaso wala akong nakita. Tipikal na piyesta kasi may mga nagtitinda ng tiangge-quality stuff gaya ng mga t-shirt na may imprenta ng pinakasikat na artista at palabas. May mga sombrero, palawit, at kung ano anong abubot. Piyestang piyesta, hindi ng santo kundi ng mga patay.
Noong nakaraang sabado, naka-text ko si D, yun kasi yung mga panahong kung may MGB lang eh yun yun pinapanood ng lahat. Tama, kung may MGB lang. Napagmunimunihan tuloy namin ang mga nakaraang palabas nito, alin ang korni alin ang mga nakakatakot talaga. Pero para sa akin, dun ako pinaka natakot sa episode ng BABAENG ITIM. Yun yung merong dalagang nagpunta sa banyo, at habang naghihilamos ay may sumulpot na nakakatakot na mukhang lola na nakaitim na baro't saya na lace. At akmang pagtakbo niya ay saktong lumipat yung BABAENG ITIM sa pintuan... Hahahah.. Katakot talaga. Kaya nung nakatulog yung pinsan ko, kumuha kami ng itim na tela at merong nagwagayway sa harap niya habang merong gumigising sa kaniya... Una niyang nakita yung tela, kaya ayun, nagsisisgaw na parang kinakatay na baboy! hehe.
---
Shake Rattle and Roll
Ito na ata ang longest series ng horror movie sa 'pinas. Hindi na nga siya nakakatakot eh, pero may isang release sila na hanggang ngayon ay may epekto sa akin... Yun yung episode nina Rudy Fernandez at Alma Moreno. Ang istorya kasi ay bagong kasal sila at sa Baguio nila naibigang magpulo't gata. So hindi siya erotic Alma Moreno classic. Sobrang tumatak sa alaala ko yung habang naliligo si Alma at habang hinahaplos niya ng marahan at sensual ang kaniyang katawan at akmang magbabanlaw na ay pikit mata niyang binuksan ang gripo, sige haplos, sige punas nang biglang DUGO ang lumabas sa gripo at shower... Yikes.... Kaya hanggang ngayon, hindi ako napikit pag naliligo, kahit hilam na hilam na ako hindi ako napikit, ayokong pagmulat ko pulang pula na ang katawan ko sa DUGO. ayoko nun.
----
Noong Linggo rin, may napanood ako tungkol naman sa pelikula dati ni Bistek... Hahaha, yun yun pinaghahampas nila ng buntot pagi at palaspas yung manananggal.. Natawa talaga ako, naalala ko tuloy na dun ko makuha yung ideya na hampasin ng palaspas ang mga demonyo/salbahe. Natatawa ako kasi pag nagaaway kami ng kapatid ko hinahampas ko siya ng palaspas. LOL.