Friday, May 4

minsan isang araw

Pagkatapos ng matagal na panahon, nagka-kitakita rin kami. Ang nakakatuwa doon ay hindi lang kami-kaming magkakabarkada, kasama na ang mga espesyal na babae/lalaki sa aming buhay. Hehehe... Akalin mo nga naman, dati'y mga gusgusing estudyante ng kolehiyo doon sa paanan ng bundok, ngayo'y pormang porpesyonal na! Hehe.. Ang sarap ng pakiramdam lalo na ng magsimula ng magkuwentuhan at higit na masaya ang panguuyam sa mga nahuli ng dating at sa mga absenot. Nakakaaliw din kasi magaling makisama ang mga bfs at gfs nila. Malungkot din kasi hindi ko kasama yung gf ko.

Mga kwentuhang pangnakaraan...
Laglagan ng mga kaibigan. Mga kabalastugan, lasingan, at dating karelasyon. Ngiti lang. Tawa ng konti. Humalakhak kung hindi na mapigil.

pangkasalukuyan...
Ikwento ang trabaho. Sa Accenture, Canon, CyberJ, at Link2Sys. Pero konti lang, iwan ang trabaho at usapang geek sabi ni D. LOL.

at panghinaharap...
May balak ba kayong mag-abroad? Saan kayo lilipat? Bigboss ka na? Saan ka mag-aaral?

At dahil sa malalayo pa ang uuwian, unti-unting nagpaalam. Kamayan, ngitian, samahan ng mga magkakaibigan.

Ang mga nakadalo: J&N,S&I,J&I,R&J,D,M, &N
Ang mga absenot: K,K,& J

Abangan.... Magkakaroon ng ikalawang bahagi, magdamag na paglangoy-langoy. Nasa yugto pa lang naman ng pag pa-plano... Nakakakapanabik.