Friday, March 30

that BOX

weekend na naman. isang buwan na naman ang lumipas. sweldo. kahapon hectic ang buhay-may -trabaho, hyper si boss jaime... tapos yung mga kasama 'counterparts' namin sa kabilang panig ng daigdaig ay matulungin. sabi, 'restart that box...'. That box. Waw, meron kaming limang imbakan ng elektronikong impormasyon, at gusto niyang i-restart yung 'that box'. Aling DB server kaya yun. Hyper na boss + helpful na co-workers = ngarag na empleyado. Ok lang. kasi ngayon, napagod ata si hyper boss... walang kautusan mula sa may hawak ng kapangyarihan.

Petiks ang buhay.

Haaay.. hinga, ilang linggo na kaming sagad sa trabaho, 2 project ang inaasikaso. Minsan pag
may hiling yung isang project, sarkastiko kong sinasabing.. project X mode, turn on.. (kung saan
ang X ay pangalan ng proyekto). At dahil katapusan ng buwan libreng tanghaliaan na naman. Ispageti, lumpiang shanghai, hamunado, at dinuguan (tingin ko inoorder ng admin 'to kasi iniinis nila yung INC naming opismeyt).

At para kumpletuhing ang petiks day, 2 ebook nabasa ko ..

1) Are you there God? It's me Margaret - JudyBlume , 85 pahina. Nakakatawa, nakaktuwa. Mga tanong ng bata, mga pagbabago sa katawan... mga ganon. Maganda yung kwento, wala siyang
relihiyon na nakagisnan. Pero lagi siyang nagkukuwento, nagtatanong at humihiling kay God.

2) Politically Correct Bedtime Stories - James Finn Garner, 40 pages. Habang binabasa ko to
naiisip ko yung lahat ng makakaliwang organisasyon. Siguro eto yung bedtime stories na binabasa nila sa anak nila.

Hahaha...