Thursday, March 8

8 on 8

I came to work 30 mins late.
had bought a hashbrown, which I ate
heavy feeling, missing, and longing
this is the morning of our eight on this eight

~~~~~~

8 linya sa malayong pagsinta

matang sa pag sulyap ay salat
boses sa pagtawag sa iyo'y malat
taingang hindi makarinig sa malayong tinig
ilong na walang pang-amoy
dilang walang pang-lasa
mga brasong naghihintay ng kayakap
naghihintay lang
...maghihintay rin

matang matiyagang naghihintay
tinig ng boses na sabik
taingang handang makinig
ilong na lalanghap sa iyong halimuyak
dilang maglalaro -- ng salita
brasong yayakap ng mahigpit
pupunan ang mga oras na nalagas
pagsasaluhan ang pagsintang wagas