Tuesday, February 13

puso piso pisi paso

dahil sa tayoy magkalayo
maraming pagkakataong di magtagpo
ang takbo ng relo'y hindi makakibo
mga araw sa kalendaryo'y di makapanuyo

gayon pa ma'y hindi humahapis
panaho'y di dapat sayangin sa pagtangis
datapwat kelangang dumalisdis
ng mga luhang sa pisngi kumukiskis

bukas na ang araw ng mga puso
puso nati'y nagsisiphayo
tibok na pinipilit pabagalin
halik ko'y ipapadala na lang sa hangin

~hapi balentayms :)