Friday, February 2

FOOL MOON

and the moon
is in full bloom
emanating soft light
pulling the tide

the roundness
and roughness hypnotizes
cavorting with darkness
exposing banal sadness

the wolf is shrieking
its soft whisper
unable to devour
lulled into lazy sleep

behind the soft light
of the full moon night
is the sun's harsh ray
pricks the freak of fruition

night and day and night
hot cold lukewarm warm
vicious vicissitudes
this is life's platitude


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


4.00am sumisigaw ang alarm clock ko. Pero 4.30 gumigising ang katawan ko. kinakaladkad ako ng paa papuntang banyo. Upo sa trono. Magpapainit ng tubig sa maliit na balde (baldito?). Ngayon lang to, kasi sobrang lamig, ako'y nanginginig, pati labi ko kinikilig. Ang GINAW. COLD. BRR, ITS COLD IN HERE THERE MUST BE !@#$%^& IN THE ATMOSPHERE... magpupunas sa tuwalya, magsusuklay, maglalagay ng deodorant. Ilalagay sa marumihan ang maruming damit. Mag bi-brief, Kuuha ng damit na ginamit na ng paulit ulit. Magpapantalon.Bababa sa kusina. Sisilipin ang pagkain. Kukuha ng plato, lalagyan ng sinangag. Kanina, spicy sardinas ang ulam at itlog na pula salsa. Pero wala ng kamatis, naiisip ng kapatid ko na pipino na lang ang ilagay. Masarap din naman, pero iba pa rin ang kamatis. Nabusog naman ako. Talagang nagpapakabusog ako. Kasi hindi na ako kumakain sa tanghali. Inilagay ang kinainan sa hugasan. Kumuha ng tasa. Pumunta ng kapihan. Kape, asukal, at creamer. Huling baso ng maiinit na tubig sa termos. Ininom ng dahan dahan. Umakyat uli, nag medyas. Ang kapatid hindi pa natutulog mula kagabi. Marathon. Princess hours. Tumatawang mag-isa. Ako, nagpaalam na, papasok na sa opisina. 5.30 am. Sa crossing sumakay. ordinaryong bus. 48.00 piso. Sa likod habang mag isa - sa binta nakita. BILOG NA BILOG ang buwan. ANG GANDA. Mapusyaw na liwanag.

Kelan ka tumingin sa buwan? kelan mo huling pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan? Kelan? Saan?

Sana makita mo rin ...