kumakalam na tiyan
bulsang walang laman
perang may amag
mga asong duwag
buntot na bahag
nasaan ang liwanag
bakit ipinipilit
laging ginigipit
anong laban
kung pinagtutulungan
bakit mag aalinlangan
kung sigurado
isip na sarado
banyong barado
mga mapagpanggap
nasaan ang lingap
pangarap
mahirap
sa ulap humagilap
ng sagot
lastik na hindi nalalagot
mundong hindi umiikot
kaisipang baluktot
saan dudukot?