Sunday, August 12

ekis paktor

anyare?

tuwing sabado na lang pag gusto ko maiinis nanonood ako nito. gusto ko kasi yung nararamdaman ko pag nag-sasalita na si charice. Ansarap ng pakiramdam na nagpipigil akong wasakin ang tibi. 

bakit? anyare?

oo, magaling siya. pero bakit neber siya na-aprisheyt ng pilipinas gaya ng pag aprisheyt kay tutsi gebara, o kina rosel naba o lilet? nakakapagtaka o hindi nakapagtataka? 

oo, prawd ang lahat sa tinamo niyang tagumpay, inaabangan ng lahat kapag meron siyang interbyu sa mga kilalalang toksiyow gaya ng opra, elen dejeneres, atbp. pero. kasinaman.

Hindi ko kukutyain yung itsura mo charis. pero ramdam ko ang kahungkagan ng ipinapakita mo sa kamera. parang pa-sosyal na hindi naaayon sa itsura.

AHA, kaya pala paiba-iba itsura mo, para mai-ayon sa pasosyal mong asta. pero ansabe? wala pa rin. pareho pa rin ang dating. nakakapanggigil.

gayun pa man. bata ka pa kasi, sana lang matagpuan mo na ang iyong sarili at ipakita ang totoong ikaw. kung balasubas ka, go lang. kung maton ka, ayos lang. basta yung totoo. kung makulit ka e di masaya. sayang ang boses. kaso bilisbilisan mo lang baka magsawa na ng tuluyan ang iyong mga kababayan.