Saturday, August 9

okatokat

Martes:
Nagising akong balisa, takot, at nanlalamig. Bangungot. Nakasakay daw ako sa van (dreamy effects) tapos bigla na lang naiiba yung usapan ng mga 'tao'. Pupunta daw kami sa lugar ng mga espiritu, purgatoryo daw. Paglingon ko sa driver, iba na hitsura niya - ghostly pero naka sunglasses pa rin. Ang mga ibang pasahero, nakaktakot ang ghostly appearance nila.
Nagising na ako.

Miyerkules:
Nagising ako kasi maingay at tila may gumagalaw sa kama ko. May 2 nagsisgawang lalaki sa loob ng kwarto. Nagtaka ako kasi naka kandado yung pinto kaya walang makakapasok at ako lang ang lalaking tao sa bahay ng mga oras na iyon. S atabi ko narmadaman ko ang presensiya ng 2 nagsisigawan. Kilabot sa buong katawan, namamanhid na ako. Hindi ko na tiningnan kung sino.
Nagdasal na lang ako.