Wednesday, April 11

aparisyon

parang mga batang nagtataguan,
sa megamall ang palaruan.
hanapan, hintayan, txt-teksan,
pagod na paa, pawis sa mata.

ngiti sa king labi'y hindi maipinta!
singkit na mata pinipilit makakita
ang alon ng tao'y hindi iniinda
eksayted na 'kong makita ka!