Wednesday, November 8

PAriSUkaT

sa apat na sulok ng daigdig
mga pangyayaring nililirip
mga tulang binibigkas sa isip
mga tinig na nakapag papaidlip

sa aking apat na galamay
kita'y hindi iwawalay
patuloy na iinog, hindi magkamayaw
parisukat na butones sa guhit ng uhales