kidlat na tumarak sa aking puso
kulog na kumalog sa aking pagkatao
alipin ng iyong alaala't gunita
ngiti mong nag-uudyok ng saya
sa aking paglalakbay
humiling na may makasabay
matagal na pagninilay
pag-asa'y puno ng lumbay
nung ika'y nasilayan
matang nagkatagpuan
damdami'y di maintindihan
kung ano nga bang patutunguhan
at landas nga'y nag krus ng daan
sa paglalakbay damdaming lumantay
sa agos ng batis dumalisdis
hampas ng along dagat, sa ati'y nagbigkis