Napansin kita
sapgkat ika'y kakaiba.
Simple't maganda
medyo maldita.
Ipinagtanong mga impormasyon
edad,kurso at lokasyon.
Lahat ng ito'y tinunton
ng taimtim, palihim.
Bagama't nalaman ko ring
ika'y meron nang sinisinta,
ito'y di hadlang sa hangaring
makapaling ka.
Tine-text paminsanminsan,
At nang sa friendster ay nalaman
na sinisinta'y wala na
bagong pag-asa ang siyang tumalima.
At ngayon nga'y magpupunta
sa iyong bayang makasaysayan,
turista aking mga paa,
puso ko'y sinisinta ka.
Sana'y mapansin mo
ang gagawing pagsusumamo.
At nawa'y pahalagahan
ang aking nararamdaman.